Wednesday, October 29, 2008

spare time

Arghh.. Natutukso na kong magtext. Pigilan nyo ko! hahaha....

Nakakatamad naman kasi ang buhay opisina... Kaw ba naman, opis - bahay lang. minsan lang nakaka-gimik. Lagi pang OT kasi late ng umuwi si bossing alangan namang unahan ko pang umuwi yun, minsan naguutos pa din sya kahit 6 or 7 pm na or minsan, gusto lang tlga nyang may company sa kanyang pagO-OT nya.

Pero masaya din ang buhay opis, on the other hand. Kasi malaki din naman ang Central Office ng DA so madaming taong nakakasalamuha, madaming ugaling kinaiinisan or kinakatuwaan. AT ang pinaka-mabigat na challenge lang sayo ay kung paano mo i-uphold ang "integrity" mo.

Pag bad, wag gayahin. Pag mabuti, ok pero be cautious.

May mga chances na magka-kasama ang mdaming dibisyon ng DA - sa mga trainings/ workshops/ seminars/ meetings/ project packaging/ team buildings. Sa breakfast, meriendas at lunch. Marami na nga akong kilala sa kanila. AT medyo mahirap din kung aalis ka, ang habang paliwanagan yon malamang.

Isa pang kinatutuwa ko din ay ang pagiging semi-independent (unlike nung nag-aaral pa ko) pag malayo ka sa bahay. Pag nag-bboarding haus ka. Ibang grupo ng tao n nman ang ksama at kasalamuha mo. Sa tatlong bahay na nag-stay ako, hindi naman ako napaaway or nakagalitan. Medyo epektib ang pagddisiplina ng nanay ko nung bata pa ako. Biruin mo, hiyawan ka ba nman ng "burara" pag nakitang nkakalat mga gamit mo after school. With matching kurot pa kung minsan.

Eh ang isa sa kritikal pag nagbboard ka, wag kang makalat at wag pakialamera sa gamit/ personal na buhay ng roommates. Pwede yung personal na buhay, magka-kwentuhan at makapagpalagayan ng loob, pero pagtagal-tagal na yon. Pag friends na tlga kayo.

Maganda din sa set-up ko dahil sumusweldo na ako. I mean, hindi naman ako laspag sa pera. Marunong na kasi akong magtipid ngaun. Yung di ko nabibili nung college, may laya na akong bilhin ngayon. Pero syempre pag nakapagtabi na ako ng pera para sa bahay. Kailangan yon.

Matipid na nga ako ngaun. Dati sa grocery, kung anong madampot cge lang. Pero dapat conscious ka sa melamine at made in china. Sabi nga nung roommate ko "bilhin mo lang kng anong kailangan mo. AT kung bibili ka, ok lang kahit mahal basta may quality."

Tama din sya. Nakkapunta din ako kung saan ko gusto ng hindi alam ng parents ko. Basta may pera ka sa bulsa. Make sure lang na ang mga kasama mo ay mapagkakatiwalaang mga tao. [Naalala ko nung nagpunta kaming majayjay.. sira tlga mga un, pero ok lang kilala ko naman mga kasama ko. hindi alam ni mama na dun ang punta ko. pero lately nalaman din nya na mga hs batchmates kasama ko. You just have to trust people. ]

AT ibang lugar na napuntahan dahil na din sa opisina. Kadalasan trainings. Within metro manila, vis and min. Masaya ang experience at medyo mature people mga kasama ko palagi. maraming insights na nakukuha sa kanila. pero wag ka, nalaman ko din na khit gano ka-mature ang tao, may kakengkoyan at kaengotan din. In general na un. Propesyonal man o hindi. Nature na ng tao. May pag ka- isip bata. Sabi nga sa linya ng kanta, "you bring out the youth in me". HAhaa..

Nakakatawa din sa opisina. Mga kakengkoyan ng boss at opismates. Pag rush hour at overloaded, mga seryoso at ramdam ang tensyon. Pag humupa na ang bagyo (hehe), papetiks-petiks nalang kami. minsan nagkkwentuhan tungkol sa buhay-buhay. ANg lovelife lang ang pinaka-iniiwasang topic hanggat maaari. Hindi naman sa ka-cornihan pero alam kong bka bumaha lang o mainggit ang karamihan.. hehehe. kasama ako sa maiinggit dont worry.

ANg nakakatawa pa, pag alam na single ka im-match ka sa mga eligibles. Ibang dibisyon, pamangkin ng boss, kakilala ng opismates, kaibigan ng roomates, etc. etc. " mabait yun, abogado yun, mag-aabroad na yun, binata yun, kilala ko magulang nun".. nakakatawa. Lalo na pag nalaman nilang wla ka pang nagiging boyfriend evah. May nagtanong pa sakin na kaibigan ko, "hindi ka ba.. alam mo na, bka naman nakakagusto ka sa kapwa babae.." Naloka ako dun. Ano ba! Bastos ka ah.. Cge pagisipan ko. Hahaha...

Minsan magkakayayaang magsine, kumain sa labas mag -circle, mag-bike, mag-pabili ng buko pie. =(

Kaya nga kung minsan attached ka na sa mga tao sa paligid mo. Pero dahil may pangarap ako, i know one day iiwan ko din ang lhat para sa isang bagay na gusto ng Dyos na sundan ko. AT yun ang mahirap. Ang magpaalam.


Every 2 weeks or every week kung minsan, umuuwi ako ng elbi (the place to be) at mag- uunwind. lahat ng pressures sa opisina pipiliting kalimutan sa sabado at linggo. Kadalasan may dala pa akong trabaho sa bahay. Pero as much as possible, yayayain ko ang ate o bunso o mama na magikot ng UPelbi. minsan sawa na sila at ayaw na kong samahan. MInsan inuuto ko nalang bunso kong kapatid na ibibili ng ice cream sa grove para lang samahan pa ako. Nakakamiss ang buhay istudyante..

Hay eto n naman ako, day dreaming,,, pero hindi man ako nakasali sa mga orgs watevah, masaya ang college life ko. Masaya ang mga klase namin, ang batchmates ko, majormates mga technician sa agro-hort-soils bldg., at mga tambay doon na naging kaibigan ko, kahit yung mga tindero at tindera sa agro. Mga classmates na hanggang ngayon may koneksyon pa din even after we took board exam.

Yun lang, mahirap mag-wala sa sarili mong bayan, ika nga. Hindi naman ako pwedeng makitang nakikipag-inuman/ discobar-an o lampungan (as if?) sa kalawakan ng elbi dhil may makakakilala sakin na pwedeng ikatapos ng buhay college ko pag nagalit ang ma-dear. Sasabihin non, "kababae mong tao!".. conservative pa din sya.

Yun ang buhay ko as of now, pero once in a while, naiisip kong mag-upgrade. Maliban sa mga libro at sudo ku (at cellphone, hehe) na kapiling ko tuwing gabi i felt the need to study, tutal malapit lang nman ang updiliman. ANg problema lang, nagttrabaho ako. cguro open u na nga lang, i must inquire pla. llalagay ko sa agenda notebook ko.

Minsan isang araw, nag-apply ako sa DOST, udyok na din ng college batchmate ko. Sabi ko 'envi science kaya?'.. Pero human eco or sociology or psychology tlga yung interest ko sa ngaun.. cguro blessing na din na hindi ako nakapunta sa interview ng DOST after the tiresome completion of requirements (na nag-leave pa ako sa opisina), dahil napatapat na may week-long training kami sa monte vista. Nalungkot ako at tumawag sa DOST na hindi ako makakapunta. Sabi ko sa 2nd batch of interviewees nalang ako. Sabi nya wla na ytang iniskedule for 2nd batch kasi visayas at mindanao na ang sunod.

Nalungkot ako dahil sayang naman mga recommendation letters ng tatlo kong professors, impressive pa naman mga nakasulat... haha. Kinontak ko tlga s sir namuco (adviser, hort prof), sir comia (soil science prof) at sir butchor espino (hort prof at the same time national director for gma hvcc program of DA)... Wala lang, nanghinayang lang ako. Hindi ko lang pwedeng iwan yung training noon kasi facilitator ako. At biglaan din namang tinext ng DOST.

Hay, but sabi nga , every thing will come in God's perfect time. Ang taong impatient daw ganito mag dasal, "God pls give me patience... ANd I want it now!"

Patience is a virtue.

Of course you need to act, pero God has the last say so make peace with Him. Love Him.

ANg haba na ng blog ko.. next time nlang cguro.

Have a nice day =)

No comments: