I so love e-heads!!! Cant get enough of them, ika nga. Sa kanto everytime mapapadaan ako bandang 8-9pm from work laging nagpapatugtog ng e-heads hits yung nagtitinda ng bbq at isaw… ANg lakas lakas akala cguro nya bingi mga tao sa katabi nyang establishments (resto at barber shop)
Ang saya ko pag ganun, tinatagalan ko ang hakbang para lang matapos ko yung songs nila. Hehe. Kung tutuusin kadalasan sa mga songs na yun ay palasak na dahil na-mainstream via radio naman way back (Alapaap, Ligaya, Minsan etc) at lagi ko din namang napapakinggan sa mp3 player at cd collection ko (nagrereklamo na nga nanay ko kung minsan). Pero iba pa din ang feeling pag nadidinig mong pinapatugtog ng ibang tao, which means madami pa din kayong uma-appreciate sa forever ultraelectromagnetic band na ito.
Bakit ganun, I felt like a proud mother whenever I hear their songs as if lahat ng dumadaan gusto kong sabihan, hey listen, that’s eheads dude…
Dahil sa litsiryang reunion concert na yan.. umaasa na naman tuloy ako na mababalik ang eheads phenomenon the way it used to be in 90’s… hay….
Ano ba… grow up na sabi…
Hay, sana may reunion concert part 2! Of course, fully recovered na sana si Ely at ready to rock the house by that time. I wasn’t able to see the 8-30-8 concert na yun. Naiinis ako!!
Sa December daw? Sana! Sana!
“A little lovin’ and some fruit to bake
Life is a piece of cake” (Fruitcake, Eheads)
Tuesday, October 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment